-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Huling araw ng ng 2011 at tulad ng dati, nagsusulat ako ng blog para alalahanin ang mga naganap sa buhay ko at magpasalamat na rin sa mga taong naging bahagi ng aking 2011. Pero bago ko pa man isulat 'to, may pagre-reminisce na naganap, tipong tiningnan ko pa talaga yung dalawang planner ko (oo, ganun kagulo ang life, pero di pa rin masyadong naayos kahit dalawa pa ang planner ko HAHAHA). May mga struggle financially, mentally, physically, at pati spiritually pero mas nangingibabaw pa rin yung sobrang daming blessings ni Lord sa akin. Sabi nga sa kanta
"Count your blessings, name them one by one,
Count your blessings, see what God hath done!
Count your blessings, name them one by one,
And it will surprise you what the Lord hath done."
And truly, God surprised me not only once but many times this year
January
- Ayon sa aking planner, puro exam ang nangyari hahaha! Pero nasimulan ko na rin ang aking thesis experiment
- AT ang daming job fair noon sa UP at dahil excited kami, todo pasa naman ng mga resumes! hahaha!
- nawala ang almost 4-year old kong telepono memories chos! HAHAHA!
February
- Singapore trip with family
- I turned twen-teen and I started writing my Bucket List
- Alam ko may struggle kami sa thesis nun e, kasi di namin ma-set up ng maayos tapos mauubusan na kami ng complexing agent kakaulit hahaha!
March
- Last gig ng SUGARFREE sa Eastwood
- cramming ng data para sa thesis at ng manuscript
- Nag-apply na ko online sa mga companies (excited?)
April
- Naipasa ang manuscript on time! Tipong last day ko talaga naibigay kay Sir at sa director's office. Berigud
- graduated ON TIME! Praise God!
- May struggle na sa future HAHAHA! Eto yung panahong napapaisip na ko sa kung anong gusto kong gawin sa buhay, kung mag-MS or magttrabaho habang nagrereview for board exams, Eto rin yung panahong panandalian kong na-enjoy ang bakasyon pero eventually na-realize ko na nakakatamad sa bahay at nag-sink in na na graduate na ko...and What's next?
- Tapos hanap ng trabaho online
- Tapos sabi ni Ate Kar, mag-apply daw for DOST scholarship kasabay ng pag-apply ko for MS (eto yung tipong try and try until you get accepted ang peg ko! HAHAHA!)
- Scheduled interview sa Sucere - Twin Oaks for QA position na hindi ko pinuntahan kasi natatakot ako HAHA at naguguluhan sa life //wrist
May
- Experienced my first job interview.Sa Davies Paints. Chemist position. Eto na yung pang-tunay na buhay, HAHAHA! Hinatid pa ko ng tatay ko tas may mga interview tips pa siya! AT dalawang beses akong ininterview (HR at Manager) nakakaloka!! For a moment, na-excite ako noon kasi real life situation na siya hahahahaha nakakatuwa na nakakatawa!
- And yes, I got rejected. Sila na ang hindi tumatanggap ng taga-UP! hehehe! Pero gets ko naman kung bakit Although for consideration ako pero sabi ko wag na lang din kasi may conflict sa review yung work schedule nila.
- I was admitted to Grad school (MSE program). YEY!
- The never-ending wait for DOST scholarship. Eto yung panahong waiting forever ang moda! Dito nababagay ang "patience is a virtue" na motto! HAHAHA!
- AT ang pinaka-epic sa lahat, nalaman namin na may bagong addition sa LBT family!
June
-enrollment na pero wala pa ring result ang DOST. Eto yung panahong ayoko na, HAHAHA! Emo mode pero keri lang, bahala na si Lord ang moda ko! Kasi kung walang DOST scholarship, goodbye MSE
- AT sa huling araw ng registration, ang pinakamagandang narinig ko nung araw na yun mula kay Ma'am Arlene - "mag-enroll na kayo". At nag-cram pa kami sa advising at pagkuha ng subjects HAHA!
- Nasa grad school na koooooo~
- Scheduled interview with Dr. Azanza ng MSI para sa RA position. Sinabi ko na hindi na ko available dahil sa no employment policy ng DOST. Naisip ko nga, dapat triny ko na lang din hahaha! ma-experience lang
July
- "so this is grad school...."
- contract signing with DOST
- huling hirit ng Harry Potter 7
- unang stipend mula sa DOST, kahit kalahati lang iyon ng tunay na allowance, napakasaya ng feeling na makapagbigay ka pa rin sa magulang at gumastos ng sariling pera
August
- went back to Elbi after my phychem long exam (review)
- cramming for board exams
September
- ipinanganak na ang bagong member ng LBT! Alyssa Claire Banez a.k.a Alyssa Siopao
- na-depress panandali sa result ng mock board exam
- nagcram ng nagcram para sa board exam
- nag-board exam //wrist
- pumasa sa board exam (thank you LORD!!!! ikaw lang talaga yun)
October
- umattend ng oath taking para sa mga chemists
- natapos ng mahusay ang unang semestre bilang grad student (thank you ulit LORD! sobrang nakakaloko ang grades. Surprise!)
- started my own Discipleship group (dgroup)
- started jogging (pero wala pa ring definite schedule haha)
November
- nagcelebrate ang LBT
- simula ng mas challenging na sem hohoho!
- Saved Festival
December
- cebu-bohol trip (at all expense paid by yours truly -- nasa tamang oras talaga ang biyaya ni Lord at ng DOST) -- first out of town trip with friends
Oha! napakaraming naganap! Napakaraming blessings ni Lord! Kumpletos rekados ang 2011 ko dahil sa dami ng nangyari! Ang galing lang talaga ni Lord. Kahit tamad ako sa school, pinag-MS Niya ko. Kahit nakaka-miss ako ng quiet time, at di masyadong aktib sa Church, binigyan Niya pa rin ako ng mga batang aalagaan at gagabayan patungo sa Kanya. Sobrang faithful lang talaga ni Lord sakin, grabe yung pagmamahal at grace Niya. Kahit hindi ako deserving sa lahat, binigay niya pa rin. Siya at Siya lang talaga.
Bukas, bagong taon na. Bagong pag-asa para sa lahat. Meron at merong problema siyempre, pero manalig tayo. Sa Kanya.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hebrews 10:35-39
New International Version (NIV)
35 So do not throw away your confidence; it will be richly rewarded.
36 You need to persevere so that when you have done the will of God, you will receive what he has promised. 37 For,
38 And,
“But my righteous[b] one will live by faith.
And I take no pleasure
in the one who shrinks back.”[c]
And I take no pleasure
in the one who shrinks back.”[c]
39 But we do not belong to those who shrink back and are destroyed, but to those who have faith and are saved.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------P.S.
sabi ko sa umpisa magpapasalamat ako e haha! nakalimutan?
SALAMAT NG MARAMI sa lahat ng taong naging bahagi ng aking 2011. Salamat sa mga gumabay, tumulong, nakitawa, naki-emo, at naki-sakay sa kabaliwan ko. Sa aking one ang only family, lalo sa aking mga magulang na walang humpay ang suporta sa kung anumang nais kong gawin sa hinaharap, sa lahat ng pagadadasal at pagmamahal! Sa LBT, sobrang daming kong natutunan sa bawat isa sa atin, sa mga pinagdaan at pinagdadaanan ng bawat isa, Salamat sa pagmamahal (MEGANUN?!?), pag-unawa at sa wagas na katatawanan at kabaliwan na hatid ng bawat isa! HAHAHAHA! Sa lahat ng classmates ko sa grad school, mga MSE-mates, salamat at talagang kapit-kamay tayo sa paggawa ng probsets at take home exams hahahaha! Sa AY, dahil poreber supportive ang mga utaw!! Sa dgroup ko (kay ate faith at dun sa hina-handle ko). Sa lahat ng chem friends sa diliman, at ang CHEMERS07 (elbi)! Sa churchmates at jzoners! Sa kapitbahay namin at ang mga batang kay iingay na mahilig bumili ng ice candy samin hahahaha! Sa lahat, maraming salamat.