Sunday, April 28, 2013

Sa Wakas :)

I'm kilig :)) yak arte haha! 
Anyhooo, just watched Sa Wakas, a pinoy rock musical that features the songs of Sugarfree, veeeeery sentimental with regards to the Sugarfree songs, sobrang nakakamiss lang din talaga marinig ang Sugarfree, and very worth the price! haha! I was kind of hesitant when I learned the ticket prices, kind of expensive for a local play (though it's a musical, so I guess that's why) but then it's a one time thing, I mean how many instances will there be a musical that features the songs of one of the best OPM bands right?! AND IT IS OPM!! We have to love our own! charot! haha! So yeah, I think it will be worth it.




HOHO!
Okay. let's get real.

ANG GANDAAAAA! HOMAAAAAY! hahaha! Though yung ibang part ng story hehe..natatawa lang ako sa ibang part kasi parang ang cliche na nung mga scenes, typical teleserye/movie landian scenes at ang mga linya HAHAHAHA! At kung may kabit teleserye and movies, eto ang KABIT musical hahaha! Hindi man ako kinilabutan sa unang part (kasi medyo slow pa ko maka-gets haha may flashback effect kasi), bawing-bawi naman sa second half. Gusto ko na ginawa nilang masaya yung second part tapos yung mga conflicts at issues ay nasa first half, para siguro masaya yung take home ng audience. Ang galing din nung ensemble!! Ang kulit nila haha! Multi-tasking din haha back-up vocals slash propsmen :)) Okay din yung may nagfflash na pictures every song, medyo symbolism din yung iba. Overall masaya siya at maganda! Magaling yung mga actors, binigyan nila ng hustisya yung mga kanta ng Sugarfree, pati yung band din though nag-expect ako ng ibang areglo dun sa ibang songs.
Favorite scenes/song/duet:
  • Dear Kuya - nakakatawa pero malalim yung usapan nung magkapatid
  • Ikaw pala duet - ganda ng blending ng boses ni Topper at Gabbie!! Tsaka isa sa favorite songs ko yun eeeee <3
  • Kwentuhan scene except for the kiss which was weird and sooo out of the blue hahaha! Pero ganda talaga ng blending nung actors, tapos swak lang din talaga yung song.
  • Unang araw at kandila - ganda nung blending nung kanta swak sa mabigat na part nung story
  • Burnout - feeling ko umulan ng laway dun hahaha! Pero seriously, ang gandang 'away' scene
  • Ang pinakamagaling na tao - first time ko narinig yung song. Ang kulit nung song at nung acting nila
  • Hangover. Yung kanta talaga yun! haaaaay
  • Yung makulit na pagkanta ng Ensemble ng Hari ng sablay sa mga sablay moments ni Topper HAHA! Ang benta nung sa hosiptal e :)))
  • Bawat daan/Prom/Ikaw Pala - yung end ng first act. Ganda pa rin nung tunog kahit 3 songs na sabay sabay kinakanta, ang linaw pati nung lyrics. Ang ganda din na na-explain yung mga kanta dun sa second act. Happy memories <3
  • Bawat daan - first time ko rin narinig, bagong kanta pala talaga yun :)
Bothered lang ako kung bakit di nagpapalit ng costume si Topper. Ewan ko kung wala lang talaga pampalit. Or symbolism yun ng something haha! Ayoko muna mag-isip.

Lesson/s learned:
  • Huwag lumandi. Este wag makati. Lalo pag di kayang panindigan
  • Huwag pumasok sa relasyon para lang makatakas sa isa pa....therefore wag pumasok sa relasyon kung di kayang panindigan at di ready 
  • Hanapin ang sarili on your own. Pwede siguro gawing guide yung ibang tao pero dapat di umasa sa kanila. Kelangan mo ma-realize yung purpose mo ng ikaw lang, yung di rin papaapekto sa mga tao sa paligid (though ewan, baka imahinasyon ko lang na lesson ito haha pero naniniwala akong di lang tungkol sa relationships yung point nung story e haha)
  • Alamin kung saan ka patungo. Choice din yung kung saan ka papunta e, tsaka self-will din yung kung paano ka makakapunta dun. 
  • Know your passion. Natuwa lang ako sa scene na pinag-uusapan yung pagiging freelance photographer ni Top, tapos parang sinabi ni Lexi na "you just point and shoot" as compared sa pagiging neurosurgeon niya. Tapos nung sinabi ni Top na you can't just make your passion a hobby or something like that. Pag alam mo yung passion mo, ipaglalaban mo e, kahit anong mangyari.
Bakit Sa Wakas?
  • Sa Wakas tapos na ang landian? HAHAHA!
  • Sa Wakas nahanap na ni Top ang sarili niya. Actually parang lahat ata sila 
  • Sa Wakas napanindigan na niya yung gusto niya, or alam na niya yung gusto niya.
wala na ko maisip. haha ang hirap mag-isip ng iba. Basta masaya yung musical :))


Sana maglabas ng soundtrack!!!!
I miss Sugarfree :( reunion concert!!!

No comments:

Post a Comment